Opinyon sa nalalapit na 2010 eleksyon

Habang tumatagal ang buhay natin dito sa mundong kinagagalawan natin, napapansin ko na sobrang dami na ng mga pangyayari na masasabi kong matindi, nakakatakot, nakakalungkot at nakakadurog ng puso. Sa bansang Pilipinas na aking tunay na bayan, masasabi ko na tumitindi na ang kasamaan at kapalaluhan ng kapwa ko Pilipino. Bakit ba patuloy pa rin nagkakaroon ng korupsyon; pagnanakaw; mga political killings; pandaraya; mga patayan; bangayan at panloloko sa ating bansa? Ito ang isang tanong na kayhirap sagutin ngunit kay daling gawin para sa iba. Bakit di nalang tayo mabuhay ng mapayapa? Iwasan na natin ang mga gulo – gulong pampulitikal at iba pang mga kaguluhan upang maging maayos ang ating bansa. Kailan kaya magiging maayos ang sistema ng ating gobyerno? Hangga’t patuloy na may umuupo na di maayos na politiko na iniisip lamang ang kanyang sarili at walang pakialam sa mga tao at ang gusto lamang na atupagin ay makanakaw ng pera at kumita ng malaki sa mga proyekto na sa simula lang gagawin ngunit di naman tatapusin.

Sana sa taong 2010 ay magkaroon ng isang malaking pagbabago sa ating bansa. Sa nalalapit na eleksyon ang mga botante ay dapat huwag pumayag na ikontrol sila ng mga pulitiko at suhulan para iboto sila. Ang mga botante ay kailangang gamitin nila ang kanilang isipan at piliin ng mabuti kung sino-sino at mga nararapat na iluklok sa posisyon sa gobyerno. Oras na para magkaroon ng pagbabago. Gawin natin ang lahat para maging mapayapa at maayos ang eleksyon na walang anumang dayaan o kaguluhan. Magkaisa, magmahalan, magtulungan at magbigayan tayong lahat upang magkaroon ng kaunlaran ang ating inang bayan.

Advertisements